HACKSAW RIDGE




Hacksaw Ridge

Ako yung taong mahilig manood ng mga action movie. Sa dami ng mga napanood kong action movies ito yung pinaka nagustuhan ko. Sa Hacksaw Ridge ko lang naramdaman yung pakiramdam na nakakatuwa at nakakamangha ng dahil sa bidang lalaki na kristyano.
Sa pelikulang ito ang bidang lalaki ay pumasok sa pagiging sundalo dala ang bibliyang bigay ng kanyang nobya ngunit ayaw niyang gumamit ng anomang armas sa pakikipaglaban. Hanggang sa dumating sa hukuman ng mga sundalo ang pakikipaglaban niya sa kagustuhang magsilbi sa bayan ngunit hindi gagamit ng anomang armas. Sa tulong ng kanyang ama na dati ring nagsundalo ay nanalo sila sa kaso. Pinayagan syang maging tagapaggamot ng mga sundalo. Sumabak sila sa gyera laban sa mga hapon. Nakakatuwa at nakakamangha na hanggang sa kanilang pakikipaglaban ay dala dala niya ang kanyang bibliya at pinanindigan niya na di siya gagamit ng armas kahit na nasa gitna na siya ng labanan. Bago sila sumabak sa labanan, siya'y nagdadasal, kanyang ipinagkakatiwala ang anomang mangyayari at humuhingi ng gabay sa Panginoon. Ipinakita dito kung gaano siya nagtitiwala sa Panginoon at kung gaano kalaki ang kanyang pananampalataya. Dumating sa punto na naiwan siya sa taas ng bundok at yun ang pagkakataon na ginamit siya ng Panginoon. Nailigtas at naibababa niya sa bundok ang maraming sugatang sundalo ng nag-iisa. Ipinakita dito kung kaagano kalaki ang tiwala ng bidang lalaki sa Panginoon. Handa siyang magpagamit sa anomang sitwasyon. Maging sa ganoong pagkakataon sa Panginoon pa rin siya dumidipende at nagtitiwala, na sa pagsabak sa gyera ang Panginoon ang siyang gumagabay sa kanya. Kahit na maaari na siyang bumaba sa dundok na iyon para iligtas ang kanyang sarili sa mga kalaban nila ay pilini pa rin niyang pakinggan at sundin ang iniuutos ng Panginoon sa kanya. Ipinagkatiwala niya ang buhay niya sa Panginoon, kaya't nakita niya kung paano kumilos ang Diyos sa buhay niya. Nagawa niyang iligtas ang maraming sundalo, magdamag siyang naghahanap ng mga sugatang sundalo upang sila ay maibababa sa bundok at magamot. Ng dahil sa kanyang pananampalataya hindi siya pinabayaan ng Panginoon, at ng dahil sa tiwala niya sa Panginoon nangyari ang mga kamangha manghang bagay sa buhay niya at maging sa buhay ng iba pang sundalo.
Tularan natin ang bidang lalaki na may paninindigan at malaking pananampalataya. Napakaganda ng kwento ng kanyang buhay, isang testimonya para sa ikapupuri ng Panginoon. Panoorin mo rin ng ikaw naman ang mamangha sa kayang gawin ng pagtitiwala at pananampalataya sa Diyos.

Comments

Popular posts from this blog

PAGMAMAHAL NA WALANG KONDISYON

MOM

MOM (again)