ORAS
ORAS
Masaya ang laging may kasama..... sa gala, kalokohan, trip, at kung ano pang maisipan. Madalas ang mga kasama natin sa mga bagay na ito ay ang ating mga kaibigan. Kaibigan na kasama sa tawanan, iyakan, at lalong lalo na sa kakiligan. Pero pano kung isang araw kailangan nyo ng maghiwahiwalay o bigla nalang nawala yung sigla sa pagkakaibigan nyo? At dumating sa punto na mag isa ka nalang? Sasaya ka pa ba kaya?
Isa lang ang hindi nagbabago sa mundong ito na sa salitang ingles ay "change". Sa mundong ito walang permanente, lahat nagbabago. Sa isang minuto gusto ganyan, sa isang saglit lang iba na naman. Gangyan kabilis ang pagbabago, hindi mo alam kung kailan at kung pano magsisimula. Mula sa masaya't maraming magkakaibigan darating sa punto na hanggang hindi na kayo mabuo, sa susunod o sa makalawa tatatlo nalang tayo hanggang sa dumating yung araw na pag gising mo ay mag isa ka nalang. Yung dating magulo pero masayang buhay mo ay biglang magbabago at tatahimik. Sa pag iisa, bigla mong itatanong sa sarili mo. Sino ba talaga ako? Ako ba yung taong sabay lang sa agos ng buhay? Ako ba yung taong sabay lang sa galaw ng barkada? Sino na ako, ngayong wala na sila? Minsan kailangan mo rin magkaroon ng oras para sa sarili mo. Kilalanin kung sino ka ba talaga. Oras para sa sarili mo. Oras para mag isa ka. Sa pag iisa marami kang mapagtatanto. Marami kang matutuklasan tungkol sa mga bagay bagay at maging sa sarili mo. Mabibigla at mamamangha ka nalang sa bagay na matutuklasan mo at maiisip na "sana noon ko pa ginawa 'to". Minsan mas binibigyan kasi natin ng halaga ang mga nakapaligid sa atin kesa sa bigyan ng halaga ang mismong sarili natin kaya't dumarating tayo sa punto na kapag may nawawala at umaalis ay parang napilayan tayo. Kinukulong natin ang sarili natin sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Mas binibigyang pansin ang mga bagay sa paligid natin at ang mga taong nakapaligid sa atin. Subukan mong sumubok ng bago. Bago na magdadala sayo sa ikabubuti mo at hindi sa ikapapahamak mo. Iyon ang pagkakataon para mabigyang pansin at oras ang sarili mo. Makita ang kasiyahan sa sarili mo lamang at hindi sa mga taong nakapaligid sayo. Kasiyahan na nagdadala sa pagiging kontento.... kung ano ka, sino ka, at kung anong meron ka. Sa tuwing nag iisa magkakaroon ka ng pagkakataon at oras na makausap ang isang tao na mas nakahihigit na nakakikilala sayo, tutulong sayo sa mga problema, sasamahan ka san man magpunta at gagabay sayo. Hindi man literal na Siya ay iyong nakakasama ngunit sa pakiramdam at paniniwala alam mong kasama mo Siya at alam mong sasamahan ka Niya. Ang pagkakaroon ng oras sa Panginoon ay pagkakaroon ng oras upang makilala mo ang sarili mo. Daan upang talikuran ang nakaraan dahil bibigyan ka Niya ng daan para makalabas sa nakaraan. Siya ang magbibigay ng kakuntentuhan at kasiyahan na walang sinoman ang makapagbibigay. Kaya't bigyan mo ng oras ang sarili mo at oras para kilalanin ang sarili mo sa Panginoon.
Hindi masamang magkaroon ng mga kaibigan at maglaan ng oras para sakanila ngunit huwag mo ring kalimutang maglaan ng oras para sa sarili mo at oras para makilala mo ang Panginoon at kilalanin ang sarili mo sa Panginoon.
Comments
Post a Comment